Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran.Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton.Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan.Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap.
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya. Ako po ay nabagot at napaisip na hanapin ang nawawalang ibong adarna ng aking lola. Nakakalungkot lang isipin na sa ngayon ay iilan na lamang ang may kahusayang makapagpaliwanag ng tunay na nilalaman ng mga ito. Ang tauhan o pangyayayari ay ang pinakamadaling aspeto nito, ang maunawaan ang malalim na kahulugan ng mga salitang ginamit rito ang pinakatunay na aral nito. Ang mga tayutay, malalim na salita, mga pahiwatig ay lubhang napakahirap sa nakakarami na unawaain lalo na sa mga mag-aaral. Mahirap basahin ang Florante at Laura kung ang isang simpleng tagalog na salita ay di agad mawatasan. Ito ay maihahalintulad sa isang tao na gustong tumakbo ng marathon pero kada isang metro ay nadadapa at kailangan magpatingin sa doktor. Ang kahinaan ng mga mag-aaral sa salitang tagalog ay larawan na rin ng unti-unting pagkamatay ng ilan nating mga salita na kung tutuusin ay hindi natin namamalayan.
0 Comments
Leave a Reply. |
Details
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |